Thursday, January 26, 2012

1

Ang Aking Dakilang Ama
Ni Kimberly Diaz

Papaano nga ba  maging Dakilng Ama?

Ito ba’y sa pamamagitan ng pagbibigay na material ng bagay? Ng oras? Pagtuturo ng tama o mali? Pagsuporta? Pagpapalakas ng loob? Pagbubuwis ng buhay? O pagmamahal?  Alin, alin kaya dito.
Masasabi kong ang kadakilaan ng isang ama ay di makikita ng pisikal na mata kundi nararamdaman ng puso at kung paano mo ito pahahalagahan.

Isang bagong umaga, nagluluto si NANAY, nagwawalis si ATE, naglalaro si BUNSO at ang KUYA niya, hinanap ko si tatay pero wala siya, teka na saan si TATAY? Parang isang kidlat na nag flash back sa akin ang nangyari kahapon, AY! oo nga pala nangimbang bansa na si tatay, akala ko’y panaginip lng ang nangyari kahapon.
Naging madalas ang pangingimbang bansa ni tatay. Nakikipagsapalaran para sa aming kinabukasan. Papasukin lahat ng trabaho maibigay lang ang aming pangangailangan kahit na kapalit nito ay pangungulila sa amin. Ngunit kami naman ay masayang masaya sa natatamasa naming biyaya : sa mga imported na laruan, tsokolate, gudgets at iba pa. Masasabi kong masayang magkaroon ng tatay na nasa ibang bansa.
Sa aming paglaki, madaming araw, buwan at taon ang nawala na hindi naming kasama ang aking tatay kaya na itanong ko sa aking sarili SINO NGA BA SI TATAY? Oo nga’t tinatawag naming siyang TATAY, ngunit naging malaking palaisipan sa akin ang tanong na ito na waring hindi ko kilala ang aking sariling ama. Sa bawat pag uwi niya’y  bukod sa mga dalang maleta ay may dala rin siyang cactus kaya’t papaano ko siya makikilala  kung sa maikling panahon ng pagsasama ay napapalitan pa ng pagtatalo na naging malaking hamon sa aming pamilya.
Sa aking labis na pagkalungkot dahil sa mga nangyaring di maganda sa aking pamilya ay naghanap ako ng isang lugar kung saan magiging magaan at masaya ang aking kalooban. Hindi ako nabigo dito ay nakilala ko si GOD ang aking pangalawang AMA.
Sa tuloy tuloy kong  pagsisimba at pagbabasa ng bibiliya ay mas nakilala at napalapit ako sa Kanya. Ipinakita Niya ang kanyang pagmamahal sa akin ng ibinigay niya ang kanyang bugtong na anak upang sinuman sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak hindi magkaroon ng buhay na walang hanggang(Juan 3:16)

Madalas kami magkwentuhan, nasasabi ko ang aking mga saloobin, nagpapalakas ng aking loob, itinuturo Niya sa akin ang mga tama at mali, ibinigay din Niya ang aking pangangailangan. Sa maikling panahon lang ay nabago ang aking buhay mula sa pagiging maluho ay naging praktikal. Mga bagay na hindi ko naranasan sa aking tatay. 
Tunay na wala na dadakila pa sa aking AMA(GOD) sa lahat ng ginawa niya sa akin. Ngunit ipinabatid din sa akin ni GOD ang pagiging dakila ng aking TATAY.
Ang determinasyon, pagtitiyaga at pagmamahal ang kanyang sandigan. Ginagawa niya ang lahat para sa ikagaganda ng aming buhay. Titiisin ang hirap para maibigay lang ang aming kasiyahan. Bigla biglang pumatak ang mga luha sa aking mga mata, unting unti ko nakita ang mga magagandang bagay na nagawa ni tatay na hindi ko nakita noon. Nang gabi na iyon ko naramdaman na MAHAL na MAHAL na MAHAL ako ni TATAY. Ito ang mga bagay na ipinakita ni GOD ang aking pangalawang AMA. 
 
Hindi sa materyal na bagay masusukat ang kadakilaan ng isang AMA kundi sa LAKI NG PAGMAMAHAL niya sa kanyang pamilya gaya ng PAGMAMAHAL sa akin ng aking dalawang DAKILANG AMA. Sila ang mga importanteng tao sa  aking buhay, sila ang bumuo sa aking katauhan.



2

BESTFRIENDS TURNS TO LOVERS
Ni Marian Dela Cruz

  Para sayo, ano ba ang ibig sabihin ng bestfriends?
                           Hindi ba siya yung taong laging nandyan sa tabi mo. Sa tuwing may problema ka o may kailangan ka. You’re with him through good times and bad times. Sa kanya mo nasasabi lahat ng problema o dinadala mo sa buhay.
Sa lahat ng nabanggit ko alam kong hindi lang yon yung kahulugan ng tunay na kaibigan. Hindi man sya perpekto, pangit man o maganda. Hindi katalinuhan pero may alam, mayaman o maahirap.  kung tanggap mo sya kung sino at ano siya tunay kang kaibigan kapatid!
Eh paano kung girl or boy? Wala namang masama dun di ba? Kung komportable naman kayo at nagkakapalagayan kayo ng loob. Ok lang yun. Sa totoo lang para sakin parang mas ok yun. Bukod sa walang inggitan, wala ding plastikan. Pero di ko naman sinasabi na pag magkaibigan o barkadahan kayo ng “all girls” eh plastikan na, ok? Tsaka one more thing. Walang kaagaw sa boylet? Hahaha. Unless na lang kung bakla sya.
  Si cutie nga pala yung  naging bestfriend ko, sa totoo lang hindi ko akalain na magiging bestfriend ko siya. Isnabero kasi dati, pero hindi ko siya crush noh! Ang pagkakatanda ko lang eh, un nga. Lagi kaming nagsasabihan ng problema, minsan secrets. Anu ba naman yung ishare ko sa kanya na kinikilig ako kasi nakita ko yung crush ko? O kaya naman yung pogi kong schoolmate? Samin naman wala yun! Bestfriend nga hindi ba? J Isa pa lagi nya kong nililibre. Hoy! Nagkukusa naman sya! [sabihin nyo naman makapal ako masyado? ^^]
Nagtuloy- tuloy yung friendship namin. Masaya kaming dalawa pag magkasama. [inggit ka? Mwaha!] lagi kaming sabay kumain, naghihintayan pag uwian. We treat each other special. ^_^ Pero paano na lang pag na-fall kami sa isa’t-isa? O kaya pag siya na fall sakin’? or ako sa kanya? O.o
After a few months …….
Alam na! Oo, umamin sya sakin. O.o <3 nung narinig ko ‘yun hindi ko alam kung matutuwa ako o ano. Gumugulo sa isipan ko eto: “Marian? Isusuko mo ba yung friendship nyo para maging lovers kayo?’’ “Love mo ba sya?” “Ang dami nyong pinagsamahan, baka masira lang dahil jan?” “Baka lokohin ka lang nya tulad ng iba jan?” K God! Help me! Give me a sign! Please? As of now, I really feel that I’m sooooo special. Hahaha. Nagugulat na lang din ako eh, binibigyan nya ko ng chocolate? Nanliligaw ba sya? Honestly wala akong alam. Ewan ko? Ang tagal kong pinagisipan nun. Amppp. Kaya hinayaan ko na lang tuloy sya. Masaya naman kaming dalawa eh. Pero wala pa ding tinatawag na ‘in a relationship’ ..
Hanggang sa tinanong nya ako…
UNA------ mas pinili ko ang friendship kesa sa relationship, alam nya na! J
Eh umisa pa?
PANGALAWA----- “Sorry bestfriend, masaya na ako sa ganito. Tsaka mas tatagal tayo dito.
PANGATLONG HIRIT! “ Sorry ulit!” dito pa din naman ako eh! … PERO
PANG APAT------ Ikaw na! ikaw na da best ka! Oo na lang! <3
Bibigay din pala? Hahaha. Tiyaga nya noh? Mukhang to? Wat the. Napagityagaan?! Nung nagsisimula na ‘yung relationship naming. College  na kami pareho. Syempre kailangan mag-adjust. Nung una hindi ako naging komportable sa kanya. Naiirita ako hindi naman nya ko inaano? Adjust… adjust… adjust… [ screwdriver?haha]
Ngayon ok na kami, siguro 3-4 months din yun. Puro ata kami away, buti hindi nauuwi sa break-up. Dahilan din siguro kung bakit matibay yung pagsasama naming. Kinailangan talaga ng adjustments. Buti nga nagwork eh. Paano na lang kung hindi? Edi basta-basta na lang mawawala lahat? Wog nomon!
At last. Naging masaya naman ako sa desisyon ko na maging kami. Para pa din naman kaming mag bestfriend. Tinuruan nya ko maging positive thinker. Pag na dodown ako, andiyan sya para I comfort ako syempre. May tampuhan pero, hanggang dun na lang yon. Kaya naman mas lalo syang nagiging importante sakin. Para ko na din syang kapatid. That’s why. I’m lucky I’m inlove with my bestfriend. <3

3

Kaibigan
Ni Joy Anne Dela Cruz


Ang kaibigan ay isang mapagkakatiwalaan. Ito ay hindi nabibili dahil kusa tayo nagkakaroon nito. Higit sa lahat sa lahat sila ay maaasahan sa lahat lalo sa mg problema kahit ikaw ay malungkot kapag sila ay kasama mo ay nagiging Masaya ka. At sila ay handing making sa mga nais mong ipahayag. May mga kaibigan din na minsan mabait sila sayo, ngunit minsan ito ay pakitang tao lang upang makuha ang loob mo. Sa pagiging magkaibigan ay lagi dapat nagkakaunawaan at lagging may tiwala dahil kung wala ito masisira ang pagkakaibigan. Dapat ito ay ituring pamilya dahil sila ang taong maaaring tumulong sayo. Sa tamang oras kung saan higit mo silang kailangan.

Sa buhay ko napaka daming importante, kasama ditto an gang kaibigan. Sila ay madalas kong kasam. Noon ay tahimik lang akoat hindi pala kwento, kahit na tahimik lang ako ay marami pa rin ako kaibigan dahil sa ako’y pala kaibigan din naman. Minsan kapag kinailangan nila ang tulong ko ay agad agad ko sila pupuntahan at tutulungan dahil sila ay  napaka importante sa akin at para kung ako naman ang may kailangan ay tutulungan din nila ako.
Naranasan ko rin na nagalit sa akin ang aking kaibigan pero hindi ko naman alam ang dahilan kung bakit siya nagalit. Kahit na siya ay nagalit sa akin, hindi ako humingi ng tawad dahil ayaw naman niya sabihin kung bakit siya nagalit at alam ko sa sarili ko na wala ako ginagawang mali sa kanya. sa mga nangyaring ito sa huli ay nagging magkaibigan pa rin kami at ibinalik sa dating samahan at parang walang nangyari.
Masarap magkaroon ng kaibiga na may tiwala sayo at kayag sakyan ang ugali mo. Sa bawat araw na kasama mo sila ay nagiging Masaya at nakakalimutan ang problema, kahit na sa maikling oras lang. maari mo sila makasama ng matagal dahil ang kaibigan ay kailan man ay di nag iiwanan.
Ito ay sadyang importante sa bawat tao. Ang kaibigan ang isa sa mga tubig sa akin buhay sapagkat kung wala sila ay di makokompleto ang buhay ko.

4

Sakripisyo ng aking mga magulang
Ni Jenelle Domingo

Ni minsan ba napansin  mo ang sakripisyo ng iyong mga magulang ? Naisip mo din ba kung gaano  sila naghihirap maibigay lang ang luho mo ? Bakit nga ba ang anak nakakayang tiisin ang kanilang mga magulang ngunit ang mga magulang ni minsan hindi nakayang  tiisin ang kanilang anak.
-Ito ang mga tanung na akmang akma at patama para sa aking sarili ..
 Elementary –
                . siguro nga bata pa ako ng panahong ito kaya di ko namamalayan ang ginagawa kong kasalanan sa kanila na pagka may gusto ako  iiyak lang ako sa kanila at volla ! ayun na bibigay ora mismo  wag lang ako umiyak .. pero sila kahit anung saway nila sa akin wala lang ..

High school  -
-Ayan na dito nako nagsimula magloko .. hindi kona sila masyado pinapansin nagging rebelled ako.. hanggang sa dumatig ang araw na .. may laro kami ayaw na kong payagan ng parents ko mag laro mag aral nalang daw ako pero di ako nagpasaway sinunod ko kung anu gusto ko .. at sinuportahan nila… sa maliit na paraan nila na pagpapakita ng suporta saakin hindi ko anlang sila napasalamatan ..
- Nang ako ay tumungtong sa 4th year high kinailangan operahan ang mami ko, sobra akong nag alala itto ko napagtanto na napaka halaga saakin ng magulang ko ittog 50:50 ang lagay ng mami ko kaya wala kaming nagawa ng dadi ko kundi ang umiyak .. dahil nagkaroon  ng kumplikasyon sa operasyon .. sobra ang iyak ko noon itto ko ipinangako sa kanila na aalagaan ko na ang mami at dadi ko dahil di naman natin alam kun hanggang kelan natin sila makakasama ..
-Makalipas ang ilang buw an  naaksidente naman ang aking kapatid nakita ko sa dadi ko ang pangangayayat nakita ko ang takot niya .. pero kahit na napaka daming kasalanan ng kuya ko sa kanila ginawa ng dadi ko ang gabi na araw makahanap lang ng pera kasi million ang aming kailngan sa pagpapaopera para sa kanyang asawa at sa kaniyang anak.. nakita ko ang hirap ng dadi ko sobrang mahal niya kami na kahit anung gawin naming magkapatid sa knila nandyan pa din sila para sa amin .. dito na di sinabi ng aking dadi sa akin na “wag lang si jenelle ang masasaktan baka mamatay na ko sa pag aalala” dito ko napagtanto na sobrang mahal na mahal pala ako ng dadi ko ..
-Graduation day – natouch ako sa ginawa ng mga  mga magulang ko alam kong naubos ang pera nila pero naghanda sila para sa akin dahil  gusto nila icelebrate ang pag graduate ko .. pero ganun pa man nakagawa pa din ako kasalanan after grad. Naming umalis kami ng mga kaibigan ko .. at di ako nag paalam galit na galit ang dadi at mami ko sa akin sa sobrang pagaalala nila maya’t maya tumatawag sila sa phone at pag dating ko nang bahay sinalubong ako ng mami ko sinabing galit sa akin ang dadi ko pero pagkita sa akin ng dadi ko ang sabi lang nya  ay ‘kumain kana ba ?? kung hindi pa pagluluto kita” sobrag saya ko nun .. kinabukasan nilagnat ako at nakita ko ang pag aalala nila ..


---- dito ko nasabi sa sarili ko na dapat akong magpasalamat sa aking mga magulang dahil kahit anung gawin ko nandyan padin sila para sa akin di nag sasawang mahalin , suportahan at alagaan ako ..


------ ngayong college nako ngayon ko naintindihan kun gaano  sila kaimportante  para sa akin at wala ako ngayon kundi dahil sa kanila ..

Don’t  wait to give  our parents a hug before its too late ..  iparamdam natin sa kanila kung gaano sila sa atin kahalaga habang kapiling natin sila . dahil hindi natin alam kung hanggang kalian natin sila makakasama.

5

PANGARAP
Ni Charisma Roque

Bawat tao ay may pangarap di ba? Tayong lahat ay iba- iba nga lang ang ating minimithi nais ko ibahagi ang maikli kong kwento sa inyo.
    Simula pagkabata ay kinuha na ako ng aking Tita. Hanggang sa tawagin ko na siyang mommy. Kaya ako napunta sa kanya ay nang maoperahan ang aking Nanay, dahil  walang mag-aalaga sa akin. Hanggang sa simula ng ako’y palaki na ng palaki sya na ang nakagisnan kong magulang.
         Nang ako’y tumuntong sa pag-aaral sya na rin ang tumutulong sa akin. Hanggang sa dumating ako sa elementary at secondarya. Pangarap ko talagang mag-aral sa mga private na eskwelahan. Nang dahil sa kanya ito’y natupad. Ako’y masayang masaya. Dahil sa ganitong bagay na naibigay niya sa akin.
               Hanggang sa lahat ng aking gusto ay kanyang binibigay. Sa pangangailangan sa iskul o anu pa man. Sa simpleng bagay na ito ako’y masaya na. Sa lahat ng bagay na aking gagamitin , isang sabi ko lang ay magkakaroon na ako. Kaya kung di dahil sa aking sa aking mommy hindi matutupad ang aking pangarap. Nang ako’y magkokolehiyo, nandyan pa din ang suporta nya na tulungan ako, upang akoy makapagtapos.
      Higit sa lahat nagpapasalamat ako kay God at binigyan nya ako ng mommy na mabait. Sya na rin ang maituturing kong “tubig sa aking buhay sapagkat kung walang tubig hindi tayo mabubuhay. Kagaya ko kung wala siya paano na ang pangarap ko?