Ang Aking Dakilang Ama
Ni Kimberly Diaz
Ito ba’y sa pamamagitan ng pagbibigay na material ng bagay? Ng oras? Pagtuturo ng tama o mali? Pagsuporta? Pagpapalakas ng loob? Pagbubuwis ng buhay? O pagmamahal? Alin, alin kaya dito.
Masasabi kong ang kadakilaan ng isang ama ay di makikita ng pisikal na mata kundi nararamdaman ng puso at kung paano mo ito pahahalagahan.
Isang bagong umaga, nagluluto si NANAY, nagwawalis si ATE, naglalaro si BUNSO at ang KUYA niya, hinanap ko si tatay pero wala siya, teka na saan si TATAY? Parang isang kidlat na nag flash back sa akin ang nangyari kahapon, AY! oo nga pala nangimbang bansa na si tatay, akala ko’y panaginip lng ang nangyari kahapon.
Naging madalas ang pangingimbang bansa ni tatay. Nakikipagsapalaran para sa aming kinabukasan. Papasukin lahat ng trabaho maibigay lang ang aming pangangailangan kahit na kapalit nito ay pangungulila sa amin. Ngunit kami naman ay masayang masaya sa natatamasa naming biyaya : sa mga imported na laruan, tsokolate, gudgets at iba pa. Masasabi kong masayang magkaroon ng tatay na nasa ibang bansa.
Sa aming paglaki, madaming araw, buwan at taon ang nawala na hindi naming kasama ang aking tatay kaya na itanong ko sa aking sarili SINO NGA BA SI TATAY? Oo nga’t tinatawag naming siyang TATAY, ngunit naging malaking palaisipan sa akin ang tanong na ito na waring hindi ko kilala ang aking sariling ama. Sa bawat pag uwi niya’y bukod sa mga dalang maleta ay may dala rin siyang cactus kaya’t papaano ko siya makikilala kung sa maikling panahon ng pagsasama ay napapalitan pa ng pagtatalo na naging malaking hamon sa aming pamilya.
Sa aking labis na pagkalungkot dahil sa mga nangyaring di maganda sa aking pamilya ay naghanap ako ng isang lugar kung saan magiging magaan at masaya ang aking kalooban. Hindi ako nabigo dito ay nakilala ko si GOD ang aking pangalawang AMA.
Sa tuloy tuloy kong pagsisimba at pagbabasa ng bibiliya ay mas nakilala at napalapit ako sa Kanya. Ipinakita Niya ang kanyang pagmamahal sa akin ng ibinigay niya ang kanyang bugtong na anak upang sinuman sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak hindi magkaroon ng buhay na walang hanggang(Juan 3:16)
Madalas kami magkwentuhan, nasasabi ko ang aking mga saloobin, nagpapalakas ng aking loob, itinuturo Niya sa akin ang mga tama at mali, ibinigay din Niya ang aking pangangailangan. Sa maikling panahon lang ay nabago ang aking buhay mula sa pagiging maluho ay naging praktikal. Mga bagay na hindi ko naranasan sa aking tatay.
Tunay
na wala na dadakila pa sa aking AMA(GOD) sa lahat ng ginawa niya sa akin.
Ngunit ipinabatid din sa akin ni GOD ang pagiging dakila ng aking TATAY.
Ang
determinasyon, pagtitiyaga at pagmamahal ang kanyang sandigan. Ginagawa niya
ang lahat para sa ikagaganda ng aming buhay. Titiisin ang hirap para maibigay lang
ang aming kasiyahan. Bigla biglang pumatak ang mga luha sa aking mga mata,
unting unti ko nakita ang mga magagandang bagay na nagawa ni tatay na hindi ko
nakita noon. Nang gabi na iyon ko naramdaman na MAHAL na MAHAL na MAHAL ako ni
TATAY. Ito ang mga bagay na ipinakita ni GOD ang aking pangalawang AMA.
Hindi
sa materyal na bagay masusukat ang kadakilaan ng isang AMA kundi sa LAKI NG
PAGMAMAHAL niya sa kanyang pamilya gaya ng PAGMAMAHAL sa akin ng aking dalawang
DAKILANG AMA. Sila ang mga importanteng tao sa aking buhay, sila ang
bumuo sa aking katauhan.
No comments:
Post a Comment