PANGARAP
Ni Charisma Roque
Bawat tao ay may pangarap di ba? Tayong lahat ay
iba- iba nga lang ang ating minimithi nais ko ibahagi ang maikli kong kwento sa
inyo.
Simula pagkabata ay kinuha na ako ng aking
Tita. Hanggang sa tawagin ko na siyang mommy. Kaya ako napunta sa kanya ay nang
maoperahan ang aking Nanay, dahil walang
mag-aalaga sa akin. Hanggang sa simula ng ako’y palaki na ng palaki sya na ang
nakagisnan kong magulang.
Nang ako’y tumuntong sa pag-aaral sya
na rin ang tumutulong sa akin. Hanggang sa dumating ako sa elementary at
secondarya. Pangarap ko talagang mag-aral sa mga private na eskwelahan. Nang
dahil sa kanya ito’y natupad. Ako’y masayang masaya. Dahil sa ganitong bagay na
naibigay niya sa akin.
Hanggang sa lahat ng aking gusto
ay kanyang binibigay. Sa pangangailangan sa iskul o anu pa man. Sa simpleng
bagay na ito ako’y masaya na. Sa lahat ng bagay na aking gagamitin , isang sabi
ko lang ay magkakaroon na ako. Kaya kung di dahil sa aking sa aking mommy hindi
matutupad ang aking pangarap. Nang ako’y magkokolehiyo, nandyan pa din ang
suporta nya na tulungan ako, upang akoy makapagtapos.
Higit sa lahat nagpapasalamat ako kay God
at binigyan nya ako ng mommy na mabait. Sya na rin ang maituturing kong “tubig
sa aking buhay sapagkat kung walang tubig hindi tayo mabubuhay. Kagaya ko kung
wala siya paano na ang pangarap ko?
No comments:
Post a Comment